Saturday, March 10, 2012

Limang liham Para Kay JERWINA Orihinal, bawal I-EDIT bawal I-COPY PASTE na Blog Ni: PIN DET

Part One: Unang Yugto
1 of 5 letters : Isa sa Limang Liham

1st day, new faces, Old Rules

             Eto ang pinaka ayaw kong panahon sa lahat, yung pagkatapos ng dalawang Buwang bakasyon papasok nanaman ang epal na panahin ng pag-aaral. Ewan ko kung bakit pero may kakaiba akong MOOD pag naririnig ko ang salitang, “First day of School”… yung tipong pag naghalo na ang excitement, kaba at pagka bagot at naghalo halong emosyon sa loob ng tiyan mo…BAD TRIP…tatae ako ng first period nito!!!

            Unang araw ng pasukan muli na naming nagkita ang mga MANIAC at kapwa mga ka maniac nito, maging mga kaibigan at kapwa kaibigan lalo na nung nagkita kami ng mga kaibigan ko. Tulad ng dati napuno na naman ng maiingay na boses ang COVERED COURT na nagmula sa mga maiingay at naglalakihang mga bungangang kita gilagid kung mag kwento, ng mga pangyayari sa mga mala koreanovelang talambuhay na ipinalalabas sa mainit at tirik na Hapon kung saan kadalasang tumatambay ang mga INA sa kanto upang mag majong, mag bingo at makipag palitan at maging story teller ng mga buhay buhay ng mga artista.

            “tinnnnnnn…..” umalingawngaw ang matinis na tunog ng pinamanang mikropono ng dating PRINCIPAL na apat na tatlong taon ko ng naririnig na nanggagaling sa maliit na stage o intablado. Sinundan pa ito ng salitang : “Mike test, Mike test at ehem…ehem…1…2…3…4…”. Na nagpatahimik sa mga istudyante, habang tinetesting ni Mang YLRO ang matandang mike na naka salukbit sa lalagyan nito na para bang haring handa ng gamitin mula sa pagkakaapo sa kanyang trono.

            Nung una nabasag at natigil ang kwentuhan ng mga BAKLA na animo’y na PAUSE ng isang REMOTE mula nang tumidig  ang isang hindi kilalang lalaki na nakabarong ng GREEN, na may pormal ang tindig, at higit sa lahat, ang kanyang one side na buhok na kahit kalian di man lang nagulo kahit na isang hibla.

            Pumatak sa saktong alas Siyete ng umaga ng linisin nito ang lalamunang handa ng magtpakawala ng mga nakakapanghikayat na salita na animo’y isang politikong nangangampanya at parang isang sales lady sa STA. LUCIA. “good morning M*****han High school !!!” binati niya ang mga istudyanteng gamit ang malamig at malinaw nitong pananalita.

            Umepal naman ang mga istudynateng nagsibati rin ng: “good morning SIR. I****NCIO MABUHAY!!!” (hindi na inilantad ang tunay na pangalan para sa kaligtasan ng nasabing tauhan). Yung iba di nila alam na iyon nap ala ang pumalit sa trono ni mam T. Sa mga first year bago pa lang ang kalakarang ito. Para sa aming fourth year, luma na tong kalakaran ng mga nakagawiang Batian na pinauso ng mga gurong tumatayo sa entablado at binabati at nagsasalita sa libong Istudyaneteng kapwa nakanganga at holos kita ngalangala at walang ulirat sa mga nangyayari.

            At iyon ang nangyari sho-shorcutin ko na para  di ka na mabagot magbasa at para ma accept mo na ang iba mo pang friend requests sa facebook. Nagkwento, nagsalita, at nagbigay ng banta ang BAGONG PRINCIPAL sa lalabag sa mga school rules and refulation na pinaulit ulit na sinabi sa amin ng aming mga subject teachers nung nakaraang taon at hanggang ngayon.

            Sa wakas at pinaakyat na kami at para may thrill bibitinin ko muna ang isa sa mga limang BLOG ko.

                                                                                                          Pin Det